‘gym mode”

Pano kaya tumakas dito sa ofiz, wala naman kasi ginagawa kaya nagiisip kung pano tumakas, pagpasok palang gagawin mo sa ofiz mag on ng pc, susunod mag log in sa para magbasa ng email, pagkatapos kumuha ng kape hayz, tapos tapos agbabasa ng dyaryo galing sa mrt, nakakasawa talaga pag ito ang gingawa mo araw araw, hindi naman sa nagrereklamo ako sana hindi nalang kame pinapasok,,, hayz kakatamad talaga.

Hmmm ayun sa kakasulat ko dito naka isip na ako kung paano tumakas dito sa ofiz para makapag gym na ako sa mckinley, adik naba ako mag gym hindi naman , gusto ko lang talaga magpapayat at gumanda ang katawan bwahahaha, sayang naman ang araw pag palaging ganito nalang ang ginawa mo sa ofiz aba aba aba mag isip kana, para bang naiisip ko na rin mag apply sa ibang kompanya kung parati nalang ganito nakakainip talaga, oh bat napunta dito ang usapan, wala lang para palang ganun na rin ang dahilan para makapag resign, what bat ganito pa rin ang sinasabe ko, gym lang kapatid wag resignation. hayz ang oraz talaga ang tagal dapat makaalis na ako dito bago mag 1, para 1:30 nasa mckinley na ako.

ano na ulit pala sasabihin ko, ah ayun ung naisip kong pagtakas para makapunta mag gym, alis ako dito tpos balik nalang after para makapag log out hehehe, sakto my xmas party mamaya tapat lang namin naman ang venue, sasabihin ko pa ba wag na maglaway kayo, sabagay hindi nmn kagandahan ang venue pero marame naman kagandan na makikita dun. hayz bat ganito parang ang dame ko ng nasabe mag ggym lang naman ako.

o sya mga ka blog konting issue lang toh wag nyo ng problemahin, mag solve nalang kayo dyan ng ticket baka ma escalate pa kayo hinay hinay lang sa pag chill baka makalimutan nyong may ticket kayo na Sev 1 ayt… so sa uulitin nasayang ko nanaman ang 5 minuto na pagbabasa nyo sa walang kwentang kwento… so sa pagkain nyo mababasa nyo toh hinay hinay ulit sa pagkain be healthy ok alam nyo namang puro chibugan ngayon kaya mga friendship wag kakalimutang mag exercise ayt…..

“Stress kaba or tamad lang”

Friday na friday stress nanaman ano ba tong stress! Tanong lang ng taong stress na! sabi nang wiki “the average amount of force exerted per unit area”. Ang unit of area ba yung ating mga katawan.

Kung maliit ka maliit lang ang stress at kung malaki ka mabilis kang ma stress. Malimit marinig natin ito sa mga taong nasa opisina, “wow pare stress na ako”, ” nakakastress un ginagawa ko”, stressfull ang kakaisip pag nasa office ka. Ikaw ba, kelan mo sinabi na stress ka.

Masasabi ko lang na hindi naman natin nasasabi to nung tayo mga accesories ng kalsada o tayo mga istudyante pa. Kelan ba tayo napagod nun, sa dami trapik, sa dami ng assignment, mga project at lalo na mga BF/GF na yan. Di tayo na antig sa mga yan di ba. Pero bakit ngayon tila lagi na bukang bibig na natin ito. Samantala papasok ka lang naman sa office para magchat, kaunting trabaho, balik uli sa chat.

Sa aking palagay kaya lang tayo na stress dahil kung ano ang sa paligid natin. Hindi tayo nakontento kung ano meron tayo. Sahod, malamig Office, magandang work, magandang posisyon. Isipin na lang natin mas madami dyan ang mas mabibigat ang trabaho na talagang na exert ang force base sa katawan nila.

Kaya mo kayang magbuhat ng mga bagahe sa palengke, nasubukan mo na ba buong araw sumisigaw para sa paninda mo, magdrive ng sasakyan na di mo naman pag-aari at aabutin pa ng umaga para komota, o kaya tumayo maghapon para magturo sa mga estudyanteng di naman nakikinig.

Aminado ako isa ako sa mga reklamador, nakakahiya man pero yun ang totoo. . . kaya dapat baguhin na natin ang attitude na ito. Hindi tayo stress, kundi tayo ay naiinip lang na pwedeng mawala o pwede palitan nang maliit na bagay… wag na tyo makilevel sa mga trabahador, titser, tindero/tindera etc. sila ang tunay na stress na di nagrereklamo. itigil na ang attitude

“Ang para sa akin, ay akin”. Kaya kung mas kaya nya, pagawa mo sa kanya. ” stress daw pakagat kita kay Master “beyt” eh tignan mo.

sa uulitin mga ka blog: alis na muna ako, alam na traffic nanaman ano be meron pag tag ulan subaybayan sa susunod na kabanata.

 

“pag ka sama ko si master”

Ito pala ung kwento samin ni Vino baka alam nyo rin to or baka naman ginagawa nyo rin siguro tao lang naman , meron kasing kaibigan si Vino as in kasabihan nga ng mga expat playazzz… ibig sabihin babaero, so everytime na kasama mo sya dapat ito ung mga tatandaan at wag na wag mong kakalimutan kung hindi lagot ka kay misis.

I will consider 5 things when Im with Playazzz before going home. 

1. Always check if there is evidence I went to happy place.
 
2. Always remember I have amnesia when I get home and forget the happy place.

3. Always check my phone if there is sent message related to happy place.

4. Always check my phone if there is still evidence in my inbox.

5. Delete all necessary evidence related to happy place (e.g. message, pix, and new number)

lagot kayong mga mister ngayon bwahahaha happy place pala ha tignan natin ngayon. 🙂

walang magawa sa ofiz kaya eto naisipan ko lang i share sa inyo ayt…

mamaya bago ako umalis kung may maisip ulit ako at kung meron pa… isang kwentong walang kwenta nanaman hayz, sana maka perfect na kame ng entry dito sa blog 😦

“kampay mga kaibigan”

Sabi sabi lang naman  nang aming prof noon kame pa ay kolehiyo, makikita mo daw ang tunay na ugali ng tao kapag itoy lasing na, so napaisip ako.. ano nga ba ang ugali ko kapag nalalasing ako?! nagiging wild ba ko o ano. hahaha.. ito at nag effort pa akong mag isip ng mga codenames ng mga taong na iinvolve kapag lasing na at tsaka mga moves kapag nag iinuman.

eto ang listahan ng mga nagwagi, pero kung alam nyong kulang pa ito share lang ng thoughts ayt…

1. The Concert king – Ito ung mga taong kanta ng kanta kapag lasing. wala ng paki alam basta makakanta lang.. natural na to sa mga pinoy kapag may videoke sa harapan o basta may dalang sound trip lang. okay na..

2. Mr. Self Confidence – Ito yung mga taong sa sobrang kalasingan.. tumataas ang lakas ng loob, at mga naghahanap ng away.

 

 

 

 

 

 

 

 

3. Stupid Ones – Eto naman ung mga taong kapag nalalasing eh kaya mo na silang utuin.. katulad ng “Shot mo naman to para sa akin” haha. (may kilala akong ganyan)

 

 

 

 

 

 

 

 

4. KungfuPanda – Ito ang popular na code name para sa mga taong.. Kung Pumulutan parang panda. sa sobrang takaw. hahaha

 

 

 

 

 

 

 

 

5. Skipper – Ito naman ung mga lasing na ayaw ng uminom. kaya pass na lang ng pass hangang sa matapos ang inuman.. mga madadaya.

 

 

 

 

 

 

 

 

6. Boy Leap – Mga tao na kapag inuman eh umaalis sa pwesto tapos sa iba pupunta, para makaligtas sa tagay

 

 

 

 

 

 

 

7. Tabi tabi po – Ito yung mga taong kapag sya na ang iinom eh palihim na tatapon ang alak sa tabi. ayun. haha

 

 

 

 

 

 

 

8. Jejemon – Sa sobrang kalasingan hindi na maintindihan ang kanilang language. hahaha!

 

 

 

 

 

 

9. Boy takas – Mga taong kapag nag iinuman na eh bigla biglang nawawala. nakakabadtrip kasi tinatakasan ka nila. haha kung ako ikaw i duck tape nyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

10. Drama king/queen – Mga taong Kapag nalalasing, bigla biglang nalulungkot at sinasabi ang mga problema. usually mga may problema sa puso! haha

 

 

 

 

 

 

 

 

11. Bold Star – Mga taong kapag nalalasing bigla bigla na lang naghuhubad with matching dance. hahaha

 

 

 

 

 

 

at ang aking favorite..

 12. Sacristan – Sa sobrang kalasingan.. makikita mo na lang na nagdadasal ito ng taimtim with matching luhod effect. hahaha

This is just based on my experience, haha mga possible actions lang naman ito ng isang tao kapag nalalasing. haha!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

iinom kapaba??? ahahahah

Uwian na!

1 hour na lang uwian na.. Nakakainip.. Masakit sa ulo at mata ang makipagtitigan ka sa monitor mo maghapon. Pipila na naman ako sa napakahabng pila sa sakayan paguwi. Tapos traffic pa, sisinghot na naman ako ng mga usok ng mga jeep. Sana lang wla akong makasabay na holdaper o snatcher. At lalo sana yung may putok.

 

Ano ba pwedeng gawin para hindi mainip paguwi? Syempre lumanghap ng usok at maghanap ng mga chicks. Tapos ano? Wala na.. Ano ba magandang gawin pa? Sapakin ko kaya unang taong makita ko pag labas? Mag kape? Iinom ba ko ng alak? Mag jogging kaya ako mula dito hanggang sa bahay? At least di na ko pipila, healthy pa. Pero ayoko pagpawisan.  

 

Potek nakadroga ba ko? Hindi. Lasing ba ko? Hindi rin. Bakit walang ka-kwenta-kwenta mga sinusulat ko? Pasensya na kayo kailangan kong sunugin ung 1 oras para makalaya na dito, lahat kase ng sites napuntahan ko na.. Hinihintay nyo ba banggitin ko si madam? Wag na, lalo pang sisikat un, sikuhin ko muka nun eh. Hehehe. Paalala lang po, ang blog na ‘to ay hindi ginawa para manira ng tao. Sinsusulat lang namen ang nakikita ng aming malilikot na mata at naririnig ng mga tenga namen. At para na rin bwisitin ang mga nagbabasa neto kung meron man.

 

Napakawalang kwentang blog entry to! Hahaha nasayang lang ang 3 minuto ng buhay nyo at di nyo na mababalik yun, habang buhay nyo pagsisisihan yan, sana nagyosi na lang kayo kesa binasa nyo to. Hahahahaha

 

Paalam!

Marangal ang trabaho ni boylet…

Bf: kakaasar tlaga! sarap sapakin nung nakasalubong natin kahapon.
Gf: bakit? ano bng ngyari?
Bf: sabihan ba nmn ako na muka akong mgssaka pag kasama kita!
Gf: ok lng un! atleast marangal ang mgssaka, bakit nya nmn nasabi un?
Bf: kasi mukang kalabaw daw ang ksama ko!
Gf: ganun!!! asan ung hayop na yun! papatayin ko lng,

Hehe… Marangal Pala Huh!! 😀

Share ko lang…

Bago ako umuwi ng bahay, tinatamad na kasi ako pag uwi saka mag gym pa ako sayang ung araw eh, kaya bukas nalang ok, saka ung promise ko ung part ng credit grabber gagawin ko na ayt… paalam na muna mga paps…

by: dugzzz 🙂

Random Thoughts on a Holiday

POtek walang magawa, nabuburat na ko dito, malapit na kameng pagsamahin ng matabang ‘Credit Grabber’ na binanggit sa unang blog. Sana maligtas ako ng mga kaibigan kong mahilig uminom, malakas mangbabae, at malalaki ang tyan para malayo na ko sa kanya..

Joke lang para sa mga kaibigan kong mga pogi, baka bawian nila ko dito. Basta inaabangan ko na lng ang pag rescue nila saken dito. Mabuti na lang sa ngayon ay may magandang chikas sa loob ng aquarium dito na lagi kong nakikita pag lunch. Sana sa susunod na proyekto magkasama na kame, kasama rin mga kaibigan at mga bossing ko. At syempre ibang mga chiks pa bukod dun para hindi kame maging Azkals. Tapos magtiinuman kame gabi-gabi na parang palaging team building. Tapos ay maglalasingan kame at bahala na kung anong mangyare sa amin. hi-hi-hi

Basta mas masaya ang buhay pag walang ang mapanira, mataba, at mahilig mang angkin na nangangarap mapromote at mapadala sa ibang bansa na tao na ewan kong tao nga pero hindi naman qualified dahil hindi sya graduate!! Pero syempre, mabaet tayo kaya bahala na sya sa buhay nya, istorbohin nya na lahat ng mga bossing at ituloy nya ang pagnakaw sa gawa ng iba..Bahala na si Lord sa kanya. O:)

Teka, eto na nag-pop na ang mga taga-ibang planeta, may problema na naman sila. Umextra din ng pop yung drug pusher.. Kailangan ko na silang iligtas. Hanggang sa muli mga bata. Next time ko na lang habaan..

Wag na kayo malungkot baka ipabugbog ko kayo kay Zaito. Hindi nyo kilala si Zaito? Napakapogi nun. Eto panoorin nya para mapraning kayo:

http://www.youtube.com/watch?v=abu-X3HuLDQ&ob=av3e

 

eto nga pala si pareng zaito

"eto ang master ng fliptop"

 

 

 

 

 

 

 

 at pareng silencer

silencer

 

 

 

 

 

 

 

 

Paalam!

by: Master “Beyt”

Pamuksa sa kaaway mong katabe lang

Eto nanaman ako hirap talaga pag umpisa ng kwento…

Ok share ko lang sa inyo tong video, siguro kung may binebenta lang na ganito malapit sa ofiz sobrang mabenta toh sa madla.

www.youtube.com/watch?v=P45zc0NcTjw

If ever lang may makaaway kayo ung sobrang malapitan talaga eto na ang inaasam asam nyo…

what are you waiting for panoorin nyo na…

the thing

But wait theres more, please do not try this at home… ayt

Something Fishy bat ang sarap mong simutin…

Dati kasi potek mali nanaman, anyways noon kasi ayan ok na hindi talaga ako nainom ng they called beer/alak but unfortunately grabe natikman ko toh, so sa mga hatters sa they called beer/alak wag nyo ng subukan pero masarap tikman. sabe nga nila try and try until your belly is big…

So ung kwento nagsimula na eto ngayon pinilit ako mga paps xmpre pa demure akits, sbe ko dre ayaw ko pero isip isip ko isang beses lang naman, so ok naman na ako cge i want to try mga friendship…

Ok binaba ko lng ung pagsusulat baka hindi makita ung kwento, so nangyari na ang aking inaasahan o deymnn ito pala ang they so called beer/alak deymn masarap nga.. ok tuloy ko sa isang line.

Now finally na meet ko na si they so called something fishy na sarap simut simutin deymnn ang sarap nga so until then suppostedly hanggng nung october ko na lang sya na try pero masasabi ko sa inyo na ang sarap nya grabe, mura na solve pa bulsa mo. ayt…

Where to try this: Grabe sa central lang naman if familiar kayo try nyo to either Boni, Makati, Cash & Kerry…

Sorry wala ung pics nya pero update ko agad pag nakuhanan ko sya ha…ayt

 

 

Eto na ang credit grabber – Part 1 siguro Trilogy ito mga ka paps

Isang araw ahy wait mali… 🙂

eto pala muna ano ang crdit grabber – ito lang naman ang tawag sa mga taong nag aangkin ng gawa ng ibang tao na para bang sya na ang gumawa ng original na konsepto mo parang bang “sya na” or “ikw na” magaling…

Ok so mag uumpisa ako sa kwento noon araw kasi bago lang sya so malamng noh hindi pa nya alam ang processo so pa demure ang lola itawag nalang natin syang aka. Madam, so ang nangyari kasi itong si madam aba grabe medyo makapal na ang mukha medyo mataba pa ang bruha, so ang ginawa nito ngayon at sya na ang naging lider aba ang lola para bang gumaling, pag may pinalitan syang processo iibahin na ang pangalan ng original na gumawa ng konsepto aba aba aba talagang nakakainit ng dugo ang bruhang madam.

Anyways so ngyari na ang tinatawag na delubyo ng mga ka team, usap usapan sya ngayon ang bruhang madam na chorvaloo nakakapang init talaga. so napag usapan namin ng mga ka team member inom tayo kaibigan syempre flyday eh kaya masarap talagang uminom so un nagkaayan na.

Eto na yes session time ulit ng mga team member at ayun mga ka peeps marame na palang nagawa tong chorvang matabang bruhang madam na toh, at ayun nga nagmamagaling lang pala toh, at eto pa mga ka peeps marame na rin palang nanggagalaiti sa galit sa kanya, biruin mo naman ung isang nagkwento iniwan pala sa ere, ganito kasi ung mga ka peeps, kasi sa kanya na ka assign ung processo aba nung nahirapan ang madam pinasa ba naman at para bang walang nangyari hayzzz nakakaloka na toh as in mga ka peeps… o xia wait lang ang sakit na ng kamay ko sa kakasulat bago lang naman ako sa paggawa medyo mahaba habang session pa to ok..

so abangan nyo ang PART 2 ok…

Hehehe eto nga pala ung hinayupak na letson naming madam grrrr nakakagigil talaga..